"Makasaysayang Paglalakbay
sa Luneta Park at Intramuros"
Ang paglalakbay ay isang mahalagang kasaysayan, na minsan lang magagawa sa buong buhay natin. Kung saan makikita natin ang ibat ibang lugar ng ating bansa at ang mga kagandahan nito.Ako ay si Bleizy A. Jaragbas , limang anim taong gulang, na nagaaral sa unibersidad ng Quezon City Polytechnic University.
Ika-23 ng Lunes naganap ang aking makasaysayang paglalakbay sa Luneta kasama ang aking kaibigan na si Ma. Rocyl Caranza na handang sumama sakin kahit sila ay nakapunta na ng Luneta Park pagkatapos ng aming pagsusulit sa Biological Science. Ako ay lubos na nababahala sa aking sarili dahil ako ay natatakot sa mga maaaring mangyayari sakin kapag walang kasama sa pupuntahang lugar ng Luneta Park. Ito ay aking unang pagkakataon na ako ay nakapaglakbay ng mahabang lugar lalo na sa Luneta Park at Intramuros. Ang Luneta Park ay kilala sa bilang Rizal Park kung saan matatagpuan natin ang kanyang kadakilaan at kabayanihan sa ating bansa.
Ang aking Paglalakbay sa ...
Luneta Park...
Ang Luneta Park ay isa sa pinakamangandang pasyalan ng mga tao lalo na sa mga pamilya at kaibigan. Ito din ay tinatawag na Bagumbayan mula ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896. Ang Rizal Park ay isang makasaysayang urban parke na matatagpuan sa gitna ng lungsod ng Maynila, Pilipinas, sa tabi ng lumang pader ng lungsod ng Maynila, ngayon Intramuros. Ang kanyang malaking pangalan na itinayo sa pinaharap ng Luneta Park at sa sobrang tuwa or saya na naramdaman ko sa buong buhay ko halos mabaliw ako sa kagandahan nito lalo na sa mga taong natulungan niya at ipinaglaban ang bansang pilipinas. Ak0 ay sobrang nasiyahan sa paglalakbay na may pagkain sa bibig habang naglalakad sa Philippine Map ng Rizal Park. Sa aking paglalakbay natagpuan ko ang kanyang istatwa na may mga magigiting tagabantay sa likuran ko ng kanyang puntod at masayang nakapagkunan ng kanyang lawaran. Nakita ko rin ang magandang tanawin sa Rizal Park at mga tao na galing pang ibang bansa.
Ang aking Paglalakbay sa ...
Intramuros...
Ang Intramuros ay isa rin sa pinakamagandang bisitahin ng mga pilipino lalo na sa paggawa ng isang documentary tunkol sa paglalakbay na maranasan sa buong buhay natin. Ang Intramuros, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig, ay ipinatayo ng mga Hispano noong ika-16 na siglo at ang pinakamatandang distrito ng Maynila ,ang kabisera ng Pilipinas. Ang pangalan na Intramuros ay nangangahulugang "nagsasanggalang na pader", na tumutukoy sa kuta o lungsod na napapalibutan ng pader. Noong kapanahunan ng mga Hispano, ang Intramuros ay ang mismong Maynila. Ito ay sinira ng mga Hapones sa dahilang ito ay ang pinakamagandang parte ng Maynila, muling inayos noong Hunyo 16, 1952. Dito natin matatagpuan ang ibat ibang lumang simbahan, bahay at iba pa. Sila ay gumagamit ng mga kabayo para sa mga bisita kong saan sila ay pinapasyal sa loob ng Intramuros.
Ito naman ang simbahan ng Intramuros na tinatawag na MANILA CATHEDRAL Church, kung saan ito ang pinakamantandang simbahan na natagpuan sa Intramuros at kami ay pumasok sa loob na nagdadasal ng mataimtim na kahilingan na sana ligtas kaming ng paguwi.
Ang pinakaimportante sa lahat ng pagbisita ko, ay para kilalanin ang kanyang pinangalingan sa kasaysayan ngayon. Subalit ako ay kinakabahan habang ako ay naglalakbay sa mga lugar na hindi ko pa masyadong kilala pero ako ay nasiyahan sa mga magagandang tanawin sa Rizal Park at Intramuros. Sobrang masaya akong nakapunta sa lugar na noon pa ay gusto kong mapuntahan at sa awa ng diyos ,dininig niya ako at ginabayan sa aking mahabang paglalakbay mula pa sa paaralang Quezon City Polytechnic University hanggang sa Intramuros at sa aking paguwi. Ako ay sobrang ingat sa aking sarili lalo na sa aking bag na daladala ko at sa pera ko. Ang naramdaman ko pagkatapos kong nakapunta ng dalawang makasaysayang lugar ng Manila.. Bilang isang magaaral ,dapat nating kilalanin pa ang kanyang pinanggalingan at para sa akin, sobra akong nasiyahan habang ginagawa itong activity na tungkol sa mga kasaysayan nito..
Photostory and Documentation
Sa Harap ng Rizal Park
Ang Monumento ni Dr. Jose P. Rizal |
Ang paglalarawan ni Rizal |
Sa labas ng Intramuros Manila |